Who Am I



Ako nga po pala si Irish Rhean E. Gabion 17 taong gulang, nagaaral po ako sa ABE International Business College Manila , grade 11 na po ako at ang aking strand ay HUMSS. Ako ay isang simpleng tao lamang po, palakaibigan po akong tao ngunit ako ay mahiyain. Mahiyain po ako ngunit kapag kilala ko na at kampante na ang aking loob sa isang tao ay lumalabas po aking pagiging madaldal at pagiging makulit. Palagi lamang po akong nasa loob ng bahay at lumalabas lamang po kung kinakailangan. Mahilig akong makinig ng musika at ng mga tula. Sa katunayan nga po ay musika ang aking karamay sa tuwing ako ay nakakaramdam ng kalungkutan. At kung minsan naman ay gumagawa ako ng mga tula. Ako po ay masayahing tao, kaya kapag may nalulungkot ay pinapasaya ko sila. Ayoko po kasi makakita ng mga taong malungkot kung kaya’t sila ay aking dinadamayan upang sa ganoong paraan ay mapasaya ko sila. May mga panahong, kung minsan ay hindi ko maintindihan ang aking sarili kaya idinadaan ko na lamang ito sa pagtulog at sa aking paggising ay nagiging okay na ako. Natatawa nga ako, paano ba naman kasi gutom lang pala ang dahilan kung bakit nawawala ako sa wisyo. Mababaw lamang po aking kaligayahan. Mahilig akong kumain at matulog ngunit hindi naman ako tumataba at lumalaki siguro nga ay ganito na talaga ako.
Mahilig akong maglaro ng volleyball at ng badminton. Nakahiligan kong maglaro ng volleyball at ng badminton simula nung nagkaroon ng paliga sa aming barangay, kaya madalas akong sumali. Sobrang saya ko non nung nanalo ang aming team at binigyan kami ng trophy. Sayang nga lang kasi hindi namin iyon nakuhanan ng litrato dahil wala pa kaming mga cellphone noon.
Mahilig rin ako kumuha ng mga litrato , lalo na kapag nakakakita ako ng magagandang tanawin ay agad ko itong kinukuhanan ng litraro. Natutuwa ako na makakita ng mga magagandang tanawin. Gusto ko sana na makapunta sa iba’t ibang lugar upang makita ang magagandang tanawin na mayroon sa bansa natin ngunit nalulungkot akong isipin na , gusto ko man gawin ay hindi ko magawa dahil wala akong sapat na pera upang makapunta sa mga lugar na gusto kong puntahan kaya hanggang imahinasyon na lamang muna ako.
A Loving Family

Ito pala ang aking pinaka mamahal na pamilya, sila ang nagbigay ng buhay sa akin kung wala sila ay wala rin ako sa mundong ito. At syempre binigay sila ni God sa akin upang maging pamilya ko. Hindi man perpekto ang aming pamilya ay masaya parin ako dahil sila ang nagbibigay ng kasihayan sa akin at sila rin ang nagbibigay gabay sa akin upang matuto ako sa bawat yugto ng aking buhay. Tinuruan nila ako kung paano gumalang,rumespeto sa mga nakakatanda at maging mabuti. Lahat ng pangangailangan ko ay ibinibigay nila, sila ang aking sandalan sa lahat ng ginagawa ko dahil sila ang aking inspirasyon. Bilang isang anak nila, pinaghuhusayan ko ng mabuti ang aking pagaaral upang pagdating ng panahon ay masuklian ko ang lahat ng kanilang paghihirap sa akin. Masaya ako dahil mayroon silang tiwala sa akin at sinusuportahan ako sa lahat ng aking gagawin.
My Studies and Dream

:max_bytes(150000):strip_icc()/Grad-Party-Ideas-5816a2a95f9b581c0b77c25d.jpg)


Simple lamang akong magaaral ngunit mayroong pangarap sa buhay. Marami akong pangarap na nais kong matupad pagdating ng panahon. Pangarap ko na ako ay maging isang Guro dahil gusto kong ibahagi ang aking mga natutunan sa mga bata. Pangarap ko rin na magkaroon ng magandang bahay at kotse. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ako matalinong estudyante , pero kahit na hindi ako matalino ay pinagbubutihan at pinagsisikapan ko na ako ay makapag aral at may matutunan upang ako ay makapagtapos ng aking pag aaral. Madalas ako mahirapan sa mga subjects pero palagi kong iniisip na kaya ko ‘to at magagawa ko ito. Okay lang sa akin kung ako man ay magkaroon ng pagkakamali, dahil sa ganoon ay mas lalo akong natututo. Hindi ako susuko sa agos ng aking buhay, mas tatatagan ko pa ang aking sarili upang matupad ko lahat ng aking mga pangarap na inaasaham.
Friendship Is Everything


Ito ang aking mga kaibigan , kaibigan na laging nandyan upang damayan ako sa lahat ng bagay. Napakasaya at napakasarap sa pakiramdam dahil nakatagpo ako ng mga kaibigan na gaya nila. Kung minsan ay nagkakaroon ng tampuhan ay nagkakaayos rin kami agad dahil mas pinapairal namin ang aming pagkakaibigan at ayaw namin itong masira dahil lamang sa maliit na bagay. Nakakatuwang isipin na tinanggap nila ako sa kung ano at kung sino man ako. Sila yung mga kaibigan ko na kahit kailan ay hindi ako hinuhusgahan , hindi nila ako kinokonsinte kapag may kamalian akong nagagawa sa aking buhay bagkus ay tinuturuan nila ako sa kung ano ang tama at mas nakakabuti. Laking pasasalamat ko kay God kasi nakilala ko sila.
My Teacher

